Tula mula sa isang kaibigan ♥♥♥

PAALAM MGA KAIBIGAN

Ngayon ay dumating ikalimang buwan
Ang tinadhanang araw ng paglisan
Ako'y magpapaalam mga kaibigan
Sa puso'y may lungkot ngiti ang iiwan

Hindi ko malimot ang aking simula
Pano pinadpad dito ng tadhana
Itong buhay lungkot pinaltan ng tuwa
Dating kalituhan nabuksan ng diwa

Ako ay tinangay dito sa samahan
Nitong mga tubong tapat magmahal
Pilit inunawa mga kamalian
Palaging kasama sa bawat tawanan

At sa araw araw dito'y namalagi
Aking nasaksikahan ang lahat  ng ngiti
Sa bawat paglisan may lungkot at hapdi
Sa bawat pagdting ay bagong pagbawi

Araw ay dumating di mapigilan
Di kayang baguhin di na maiwasan
Ito na ang oras ako ay lilisan
Magpapaalam na mga kaibigan

Bago ang huling sandali
At ang kalungkutan bago pa kumubli
Bago pa lumatag panibagong hapdi
Nais kong ang lahat sana ay ngumti

Ako'y magpapaalam ngayo'y lilisan na
Na baon ang lahat nitong alaala
Mga kasaysayan ng lungkot at saya
Hanggang sa muli nating pagkikita.




>>>>>>nakakamiss ang may akda ng tula n ito, dahil kahit sa maigsing panahon ay nakasama at naging magkaibigan kami. nakakamiss ang kanyang pagiging " out of this world"  kc laging tulala, pero pag inyong nakasama lukaret din pala...nakkamiss ung mga panahon na nagkakausap ng seryosohan tapos biglang magtatawanan...hahhah...<<<<<<<<




>>>>>>>>>.sana muli kong makasama ang mga taong nakapagpasaya at nakapagpaiyak sakin ( mga adik kc) hahaha<<<<<<<<<<

No comments:

Post a Comment